Naka harap Sa PC
Scroll
.
.
.
Palit profile picture.
.
.
Newsfeed
.
.
Last minute na at maliligo na sana ng may nag share ....naakit ang aking paningin ..
“If there is one thing you can give to the Philippines, what is that gift?”
Okay... (skeptical) totoo ba to?
Gift?
Habang nagloload ang site....
loading……
Ayan na.
Oh. (read)
Isang minutong katahimikan, nalungkot at biglang naalala ang nga nasalanta ng Bagyong Yolanda, Nag isip. Matagal na pag isip at…….
Di ko namalayan nagsasabon na pala ako sa banyo. Bigla ko naisip.
What gift will you give to the phils?
Nagisip…..
Bat di kaya "mag compose ako ng kanta" (kumanta) biglang may nagdabog sa pintuan. Naalala ko di pala ako magaling kumanta.
Biglang pihit ng shower. Gumawa kaya ako ng tula, Pero mas naisip ko na ang kailangan ng nakakarami ay isang mainam at makabuluhang sulosyon.
Pinihit ulit ang shower.
Nagbihis pero baon pa rin ang pag iisip ano nga ba ang pwedeng maibigay ng isang studyanteng katulad ko? Bigla ko naalala mag donate ulit gamit ang Gcash na ginawa ko ng kasagsagan ng bagyo. Maliit pero alam ko malaking tulong pag ito ay naipon.
Pero na isip ko meron pang mas malaking bagay na pwede kong maitulong.
Balik Sa drawing table. Gawa ulit ng drawing plate.......
Nag isip.
“Ano kayang pwedeng maibigay ng isang studyanteng katulad ko?”
………….!
Bat di kaya isang disenyo ng bahay? Isang sketch drawing na maaring magkatotoo sa tulong ng may mabubuting puso.
Laging sambit ng nga Prof at instructor namin. na gumawa ng mga desenyo ng mga bahay at istraktura na. Moderno at kaakit akit. Pero lagi kong naiisip panu ang mga mamayang Pilipino na nais magkaroon ng disenteng tirahan pero walang sapat na pera.
.Bilang laki rin sa hirap ang isang katulad ko. Lagi kong naiisip makagawa ng disenyo na abot kaya at disenteng tirahan. Isang bahay na matitirhan ng ating susunod na Dr. Joser Rizal, dahil naniniwala pa rin ako sa kanyang salitang iniwan “Ang kabataan ang pag-asa ng ating bayan”
Kinuha ang lapis, Gumuhit…….
Di naman lingid sa ating kaalaman ang kakulangan ng tirahan sa ating bansa lalong lalo na para sa ating mga kababayang mahihirap. Lalong lalo na ang mga Taclobanon, na kamakailan lang nakaranas ng hagupit ng Super Bagyong Yolanda. Maraming bahay, istraktura at mga properties ang nasira. Matagal pa bago maibalik muli sa ayos.
Di bat napakasakit at napaka lungkot pag masdan ang paghihirap ng ating kapwa Pilipino? Kaya sa paraang ito nais kong mapamulat kung gaano kahalaga ang isang tirahan, isang maayos na tirahan para sa mga nasalanta.
Kaya kung mapagbibigyan ang aking munting hiling, isang regalo na pwede kong maibigay sa Pilipinas, isang regalo na pwede akong matulungan ng Nuffnang at ng GLOBE Telecom na sana mabigyan ng mayos na matitirhan ang mga nasa litratong ito na magkaroon ng maayos at disenteng tahanan o di kayay makapag patayo ng bahay sa mga mapapalad at talagang nangangailangan ng matitirhan.
Bilang isang Architecture student, pangarap naming makapagpatayo ng mga bahay na kaayaya at masarap tirahan. Isang tahanan na may masayang pamilya na nagmamahalan.
Ito ang regalo na pwede kong maibigay sa kapwa ko Pilipino. Isang sketch drawing ng munting bahay na disente, isang bahay na matitirhan ng mga batang natutulog sa kalye. Isang abot kayang bahay at sustainable dahil sa mga raw materials na gagamitin. Isang bahay na huhubog sa ating mga kabataang susunod na henerasyon.
Sa ganitong paraan, naisip kong ibahagi ang aking mga natutunan sa paraang alam kong kahit walang siguraduhang maipapatupad. Maimulat sana na ang kahirapan ay di hangad upang di magkaroon ng sarili at disenteng matitirhan.
“Kung may isang bagay kang nais ibigay sa Pilipinas, Ano ito?
This 2014, Globe is giving you an opportunity to help out by granting one wish a reality.
Every second of volunteering, every peso, every drop of perspiration counts.
But no matter how much we give, there is always this feeling that it does not seem enough.
There is a dream to give something bigger and to make a difference.
Para sumali, mangyaring i-click lamang ang #GLOBEProjectWonderful2014
PS
Mag comment sa blog na ito ang nais mong i-regalo para sa Pilipinas at mabigyan ng pagkakataong manalo ng bagong Apple iPad Mini 2 para sa mananalong blog entry, mamimili ang Globe at Nuffnang ng winning comment. Kaya comment na!
Disclaimer: Photos that were used are credited to their respective owners. The sketch drawing is made by yours truly.Thank you!
#GLOBEPROJECTWONDERFUL2014 #GLOBEPROJECTWONDERFUL